Ang Gunma Foreign Children's Psychological Coordinator

Suporta Para sa mga Batang Dayuhan sa Komunidad

Sinusuportahan namin ang pangkaisipang kalusugan ng mga batang dayuhan at ang kanilang mga pamilya.

 

Alam namin ang SOS signs ng mga bata na may pangkaisipang problema at nakikibahagi kami sa mga aktibidad na malapit sa kanilang damdamin at makipagtulungan sa pamilya para sa naangkop na suporta at solusyon.

Malapit lang kami sa inyo!

Kaming mga psychological coordinators ay matatagpuan sa buong prefecture. Sa pamamagitan ng mga pagsasanay sa ngayon, aabot na sa 60 ka-tao ang mga psychological coordinators dito sa Gunma, at ang mga taong eto ay galing sa iba't ibang posisyon sa buhay.

Ano ang pwede mong gawin?

Pwede po namin kayong, mga foreigner, na tulungan (bata at ang mga magulang) na nakatira sa prefecture na eto.

  1.  Makikipag-usap po kami sa inyo kung ano ang inyong mga suliranin at mga alalahanin ngayon.
  2. Sama-samang mag-isip ng solusyon kung paano lutasin ang mga problema.
  3. Kung kailangan, pwede namin kayong alalayan sa mga specialized support agency.

Paano tayo magkikita?

Hindi palaging merong psychological coordinator sa ating mga lugar, pero kung gusto nyong makipagkita, magsabi lang kayo kaagad.

 

Ang mga psychological coordinators ay nagsasagawa ng mga aktibidad ayon sa kanilang mga kaalaman sa buhay (upang mapahalagahan ang posisyon ng mga boluntaryo). Depende sa sitwasyon, may iba na "makakapagbigay ng konsultasyon" at may iba na "nasa yugto pa ng pag-aaral ng kaalaman" kaya magkaiba ang aktwal na sitwasyon.

 

Ang "ring of support" para sa mga dayuhan ay tiyak na lalawak pa. At sa hinaharap, magtutuon kami ng panahon sa mga training courses para mapalawak pa namin ang aming kakayahan.

 

Organisasyon

Kinatawan at Tagapamahala
Haruo Hondo

 

Ang Gunma Foreign Children's Psychological Coordinator ay isinasagawa bilang bahagi ng mga aktibidad ng "NPO Hoojin G Community" at bilang bahagi ng "Education and Psychological Support Project for Foreign Children" na kinomisyon ng Gunma Prefectural Board of Education.

 

NPO Hoojin G Community

〒372-0832 Gunma-ken Isesaki-shi Yoge-cho 345-1

070-5021-9103

 

Pwede ka ring maging Coordinator

Magiging Psychological Coordinator ka kung makompleto mo ang 80% o higit pa na mga training courses sa isang taon.

 

Walang kwalipikasyon para sumali. Lahat ay pwedeng sumali sa mga courses (subalit, dahil Nihonggo ang mga kurso, inaasahan na ang mga dadalo ay may kaalaman sa Nihonggo).

 

Kung ikaw ay interesado, makipag-ugnayan po kayo sa amin.

 

Training Course

Sa training course, matututunan ninyo ang mga "pangunahing kaalaman at kung paano sumuporta" patungkol sa mental illness.

 

Partikular na malalaman mo ang kahulugan at papel ng mga aktibidad ng bolunter at matutunan mo ang "kung ano ang maari nating gawin".

 

Ang lahat ng impormasyon tungkol sa training courses ay makikita sa website. Pakibisita na lang po.